Sa panahon ngayon marami na ang nauuso. May napapauso na sayaw, kanta, pagkain, damit, hair styles at iba pa. Maraming mga tao ngayon na gumagawa ng sarili nilang damit na usong-uso na ngayon gaya ng ripped jeans, skirts, shorts at iba pa. Ang mga tao ay mahilig rin sa mga pagkain gaya ng adobo, sinigang, pansit, escabeche at iba pa. Kung saan ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at paminta ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkap bago haluan ng suka at bawang. Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas.

Sa sinigang naman ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na maaaring may sangkap na karne, isda o iba pang laman-dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.

Ang escabeche naman ay isang uri ng lutuing Pilipino na inatsara ang isda o ibang karne, na may sarsang matamis, maasim at maanghang.

Ang pancit naman ay mga pagkaing may mga luglog, katulad ng makaroni, bihon o miswa na pangkaraniwan sa Asya tulad ng Pilipinas, Tsina, Vietnam at Hapon. Karaniwang kasangkap ng mga luglog ang mga karne at gulay.

Kahit saan kaman magpunta ay may pagkain ka paring makikita at mga tao na kumakain. Minsan may mga restaurant na mamahalin pero masarap ang pagkain kaya may mga tao na gustong matutong magluto ng mga putahe lalo na kapag medyo dikasya ang pera para makapunta sa mga karenderya o sa mga restaurant para bumili ng mga pagkain kaya malalaman mo sa blog na ito kung paano magluto ng mga putahe gaya nalang ng pansit dahil ito ay palaging nandyan sa kahit anong salo-salo o event na gaganapin. Dahil napapa uso narin ngayon ang Do It Yourself o mas kilala sa tawag na DIY, kung saan makagawa ng mga bagay na ikaw lang mismo ang gumawa. Kaya naman maglalagay ako ng mga hakbang kung paano gumawa ng pancit bihon.

Mga sangkap sa paggawa ng pancit bihon:
½ kilo bihon
½ kilong manok (soup pack hiwaing maliliit at ilaga sa 5 tasa tubig)
¼ kilo atay ng manok ( manipis ang hiwa)
1 carrot (malaki manipis ang hiwa)
¼ kilo baguio beans ( manipis ang hiwa)
1 tasa repolyo (manipis ang hiwa)
6 butil bawang (dinikdik)
1 sibuyas
½ tasa toyo
1 chicken broth cube
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang bihon at patuyuin. Itabi.
2. Igisa ang bawang, sibuyas, manok at lahat ng gulay. Timplahan ng toyo at paminta.
3. Alisin ang ½ na laman ng kawali para maging dekorasyon. Iwan ang sarsa sa kawali.
4. Ibuhos sa kawali ang lahat ng sabaw na pinaglagaan ng manok at ang chicken broth cube.
5. Kapag kumulo ang sabaw hinaan ang apoy,  ilagay ang bihon at haluin hanggang maubos ang sabaw.
6. Ihain ito kapag maayos na ang lasa ng pancit.

Ang pakain na pancit bihon ay pwedeng ihanda sa birthday party,  buffet, o kahit sa simpleng salo-salo lang. Hindi ito mawawala sa handa kapag may birthday dahil sabi ng mga tao ang pancit daw ay pampahaba ng buhay kaya may pancit laging hinahanda. Sana  nakatulong itong blog nato para pandagdag kaalaman sa mga putahe na gusto niyong kainin.

Comments